Bus sumalpok sa puno: 12 katao dedo

CAMP DIEGO, Silang La Union, Philippines - Napaaga ang sa­lubong ni kamatayan sa­ labindalawang sibilyan habang labing-isa naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang mini-bus sa punong acacia sa gilid ng Maharlika High­way sa Barangay Palina sa bayan ng Pugo, La Union kamakalawa ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nasa­wi ay sina Warlito Sayoco, Luiza Gasapos, Lydia Mar­tin Atienza, Ynes Banes, Pa­mela Tanya Africa, Eleu­terio Reyes, Liberia Reyes, Mikhael Reyes, Mercedita Reyes, Isabelita Reyes.

Ginagamot naman sa La Union Medical Center sa bayan ng Agoo ang drayber ng bus na Silvestre Binay.

Ayon kay P/Chief Insp. Jacinto Lipaen, hepe ng Pugo PNP, ang mga na­sa­­wing bik­tima ay kabilang sa 49 pasahero ng PGM Love Bus (RHE316 na nag­­sa­­gawa ng Bisita Ig­­­le­sia (visit of seven churches) sa Baguio City at papauwi na sana sa Sta., Rosa, Laguna nang ma­kasalubong si ka­matayan.

Ayon kay Rafael Valen­cia ng 911-On-Call Rescue team, na walo kaagad ang nasawi on the spot kabilang na ang isang nagkalasug-lasog ang katawan habang ang apat ay namatay na­man habang isinusugod sa ospital.

Nabatid na nawalan ng preno ang bus habang pababa sa Marcos High­way kung saan hindi na­pan­sin ng drayber na pa­salpok na ang bus sa punong acacia malapit sa hangganan ng Benguet.

Show comments