Dalagita ni-rape ng 2 Pakistani

MANILA, Philippines - Bagsak sa kalaboso ang dalawang Pakistani ma­ karaang ireklamo ng panggagahasa ng isang 16-anyos na dalagita sa Brgy. Liboron, Carcar City, Cebu, ayon sa ulat kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Ahmael Ullah, 19; at Mo­hammad Nabiguil Nabi, 30. Ang mga suspek ay ini­reklamo ng kanilang maid na itinago sa pangalang Marianne na sinasabing pinilahan sa loob ng kanyang kuwarto may tatlong araw na ang nakalipas. Nang mabatid ng mga magulang ang naganap sa kanilang anak ay kaagad na dumulog sa himpilan ng pulisya kaya na­aresto ang mga suspek. Joy Cantos

Show comments