3 kawatan ng baka tiklo

BATAAN  , Philippines  —Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa pagnanakaw ng mga alagang baka ang naaresto makaraang makumpiskahan ng tatlong sako ng karne ng baka kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Panilao sa bayan ng Pilar, Bataan.

Sumasailalim sa imbestigasyon ang mga suspek na sina Richard Sapno, 26, ng Barangay Bayan; Arlan Salazar y Mina, 33, ng Barangay Bayan at Anastacio Mina y Joaquin, 38, ng Barangay Pantalan Bago, Orani.

Ayon kay P/Senior Insp. Ronnie Fabia, hepe ng Pilar PNP, ang tatlo na lulan ng traysikel (ES 7715) ay nasabat sa inilatag na Comelec checkpoint. Jonie Capalaran

Show comments