Talumpati ni GMA, nilindol

TUMAUNI, Isabela , Philippines  – Niyanig ng lindol ang Cagayan habang nagtatalumpati si Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo matapos dumalaw sa nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, sandaling natigil ang pagsa­salita ng Pangulo nang maramdaman ang 6.1 magnitude na lindol dakong alas-10:51 ng umaga kahapon sa loob ng awditor­yum ng Florencio L. Vargas College.

Si Arroyo ay dumalaw sa Cagayan at Isabela upang personal na pasi­nayaan at bisitahin ang mga proyektong pang-agrikultura ng gobyerno.

Matapos ang lindol ay agad na tumulak sa Isabela ang Pangulo para pasinayaan naman ang 438 metro na Tumauini-Delfin Albano Bridge na nagkakahalaga ng P650 milyon. Tumagal ng 15 segundo ang pagyanig kung saan walang ini­ulat na napinsalang ari-arian. Victor Martin at Rudy Andal

Show comments