2 negosyante itinumba

CAMP VICENTE LIM, Laguna Napaaga ang ka­matayan ng dalawang negosyante matapos pag­ba­barilin ng mga di-pa kila­lang lalaki sa magkahi­walay na karahasan sa Cavite at Laguna noong Linggo at Lunes.

Ayon sa hepe ng pulis­ ya sa Tagaytay City na si P/Supt. Dexter Rellora, si Vicente Lepardo, 40, may-ari ng car trading ay pinag­babaril malapit sa kanyang puwesto sa Barangay Kay­bagal South, Tagaytay, Cavite noong Lunes.

Nabatid na nakikipag-usap si Lepardo sa isang kliyente nang isagawa ang pamamaslng ng armadong lalaki na lulan ng motor­siklo.

Samantala, sa bayan ng Biñan, Laguna, napatay naman ang negosyanteng si Ferdinand Sanchez, 44, may-ari ng grocery store, ma­tapos pagbabarilin sa Biñan Public Market noong Linggo ng hapon.

Si Sanchez ng Brgy. Dela Paz, Biñan, Laguna ay nakaupo sa harap ng kan­yang tindahan nang ratratin ng mga suspek na alyas Boy Ilong at alyas Yao Ming. Arnell Ozaeta

Show comments