Konsehal tiklo sa pamamaril

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang konsehal ng barangay matapos mabaril ang sariling kapatid dahil lamang sa alitan sa pamilya sa bayan ng Aringay, La Union kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Kagawad Leodigario Aduan ng Barangay Manga, Aringay habang nagpapagamot na­man sa Baguio City General Hospital si Rodrigo Aduan.

Na­batid na nagreklamo sa himpilan ng pulisya si Marley Aduan, asa­wa ng biktima laban sa suspek na nasamsaman ng arresting team ng pulisya ng Squibman cal. 22 rifle. Joy Cantos

Show comments