ORANI, Bataan, Philippines — Isang hinihinalang miyembro ng Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan na matagal nang wanted sa batas ang nadakip ng pulisya at militar sa loob ng klinika ng isang kumakandidatong mayor sa Barangay Centro II, Orani, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Provincial Police Director P/Sr. Supt. Arnold Gunnacao ang suspek na si Fernando Roque alyas “Ka Sunog”, “Ka Ogie”, at “Ka Nady” may hustong gulang, umano’y political coordinator ni Dr. Marlo Zuniga tumatakbong mayor sa Orani sa ilalim ng Aksyong Demokratiko Party. Jonie Capalaran