Koreano dedo sa usok

MANILA, Philippines - Kinarit ni kamatayan ang isang 52-anyos na Korean pastor makaraang ma-suffocate sa sunog sa isang plan­tasyon ng mangga sa Sitio Lepanto, Barangay Capu­laan, Villasis, Pangasi­nan ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Peter Chang, Koreanong pastor ng Christian Baptist Church. Batay sa ulat na nakara­ting kahapon sa Camp Cra­me, ang biktima ay natag­puang nakahandusay sa isang ma­sukal na bahagi ng malawak na plantasyon ng mangga sa Sitio Lepanto may dalawang araw na ang naka­lilipas da­kong alas-11:30 ng gabi. Joy Cantos

Show comments