3 MILF tiklo sa palengke

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Tatlong rebeldeng Moro Isla­mic Liberation Front na sinasabing sangkot sa extortion, holdapan at pagnanakaw ng mga motorsiklo ang naaresto ng pulisya at military matapos ang maikling bakbakan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon. Kinilala ni P/Insp. Elias Dandan, hepe ng Cotabato Police Public Safety Management Company, ang tatlo na sina Badrudin Palawan, 19; Nestor Manalasal Salik, 37; at Abdullah Ipon Tumagantang, 35. Ayon sa ulat, dalawa sa tatlong rebelde ay nasugatan matapos na makipagbarilan sa mga tauhan nina P/Insp. Bernard Tayong ng Pikit PNP , Lt. Espiritu at Lt. Buenaventura ng 7th Infantry Battalion ng Phil. Army. Sugatan sa panig ng mga sundalo si Pfc Efren Canayan. Malu Manar

Show comments