4 sundalo todas sa NPA

MANILA, Philippines - Apat na sundalo ng Army’s 26th Infantry Battalion ang iniulat na napatay habang apat iba pa ang nasu­gatan ka­bilang ang isang batang babae makaraang tam­bangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Ve­ruela, Agusan del Sur kamakalawa. Ka­bi­lang sa mga na­paslang ay sina Lt. Isagani Villasis, Staff Sergeant Jose Ba­laba, PFC Alejandro Dao at Private Zen Stephen Clo­ma. Sugatan naman sina M/Srgt. Fernandez, S/Srgt. Ede­sio Escalante, PFC Julius Bolotano habang nadamay na­man si Rosegin Ta­mo­nan, 10, ng Purok 10, La Fortuna. Ayon sa ulat, patu­ngo sa Barangay LA Fortuna mula sa Brgy. Masayan para dumalo sa pagpupulong kaugnay sa information drive sa security awareness para sa peace and development nang tambangan ng NPA. Joy Cantos

Show comments