BULACAN, Philippines – Aabot sa 15 kababaihan na pinaniniwalaang nagbebenta ng panandaliang–aliw ang inaresto ng pulisya makaraang salakayin ang siyam na videoke bar sa Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Ayon kay P/Supt. Ronald De Jesus, na walang kaukulang permiso mula sa kinauukulang lokal na pamahalaan ang mga babaeng namamasukan sa mga videoke bar.
Ipinasara rin ni F/Inspector Roderick Marquez ang mga videoke bar dahil sa kawalan ng mga fire exit at walang business permit.
Nangangamba ang mga awtoridad na kumalat ang venereal diseases sa nabanggit na bayan dahil sa operasyon ng mga videoke bar. Boy Cruz