LAOAG CITY , Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo ang hatol sa limang mag-uutol habang sampung taon naman sa ama at dalawang apo nito makaraang mapatunayan nagsabwatan sa kasong murder noong Agosto 1999.
Sa 8-pahinang desisyon ni Judge Conrado Ragucos ng Laoag City Regional Trial Court Branch 16, mabubulok sa kulungan ang dalawa sa limang mag-utol na sina Samuel at Brendy Baoit, samantala, 10 taong pagkabilanggo naman sa kanilang ama na si Elpidio Baoit at walong taon sa dalawang apo nito na sina Apolinario at Nova. Base sa rekord ng korte, napatunayan na ang mga akusado ay responsable sa pagpatay sa kanilang kapitbahay na si Aniceto Edra sa Barangay 4, Sarrat, Ilocos Norte. Myds Supnad