Truck bumaliktad: 4 pasyente todas

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  — Apat na pas­yente ng faith healer ang iniulat na nasawi ha­bang 20 iba pa ang su­gatan matapos na buma­liktad ang truck sa kurba­dang kalsada sa bayan ng Bulanao, Kalinga kamaka­lawa ng gabi.

Kabilang sa mga nama­tay sina Maria Abenoja, Eling Fabros, Guillermo Guzman at asawang si Puri­ng de Guzman na pa­wang mga residente ng Burgos, Isabela.

Umaabot naman sa 20-katao ang nasugatan sa na­sabing insidente na agad na isinugod sa Ka­linga, Provincial Hospital.

Sinasabing ang mga biktima ay dumayo pa sa lugar upang komunsulta at magpagamot sa kilalang faith healer sa Barangay Calanan, Tabuk, Kalinga.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, lumilitaw na overload ang truck kaya buma­liktad sa matarik na pali­kong bahagi ng bulubun­duking highway ng Baran­gay Bula­lao sa bayan ng Tabuk.

Nabatid na ang truck ay pag-aari ni Councilor Alex­ander Agliam ng Burgos, Isabela at ipinahiram sa mga biktima na nagmula sa iba’t ibang barangay.

Show comments