13 utas sa killer truck

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Aabot sa Labin­tatlo-katao ang iniulat na nasawi ha­bang labin­limang iba pa ang sugatan maka­raang salpukin ng trailer truck ang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng na­tional high­way sa Ba­rangay Villarey sa bayan ng Piat, Cagayan kahapon ng mada­ling-araw.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Roselle Valiente, 19, ng Saint Louis University, Tuguegarao City; Eduardo Oarle, 18, 2nd year college at Fatima Daliuag, 19, 4th year college na kapwa kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management sa Central Colleges Tugue­garao; Jinky Ramos, 21, 4th year BSCE (SLU); Lindsay Ramirez, 21, 4th year Nursing student; Roda Mae Daloza, 18, Commerce student ng Cagayan State University.

Ang iba pa sa mga na­matay ay sina Pepe Artida, 55;  Randy Dumas, 33; at Roge­lio Ibarra, 59, ng De­­par­t­­­­­me­nt of Pub­­lic Works and High­ways; Faus­tino Ar­quero, isang mi­nistro ng Ig­ le­sia ni Cristo at asawang si Sal­vacion Arquero, kap­wa residente ng Burgos, Ilocos Sur at nadestino sa INC ng Santo Niño, Ca­gayan.   

Saman­tala, namatay naman ospital si Princess Belen ng Centro, Santo Niño habang ang 14 iba pa ay ino-obserbahan sa ospital.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Rotillo De Laza, hepe ng Piat PNP, lumilitaw na su­mabog ang gulong ng trailer truck na mina­ma­neho ni Joey Salvador ng Ipil, Echa­gue, Isabela kaya nawa­lan ito ng control sa mani­bela at sumalpok sa kasa­lubong na jeepney na mina­maneho naman ni Noli Nogeras.

Karamihan sa mga bik­tima na sakay ng jeepney ay mga estudyante na pa­tungo sana sa Tuguegarao City-Cagayan nang masal­pok ng trailer truck na pa­tungo rin sana sa bayan ng Piat, Ca­ gayan upang mag­karga ng asukal sa Cagayan Ro­bina Sugar Milling Corp. sa nasabing bayan.

Show comments