BULACAN , Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang sanggol na lalaki na sinasabing binasag muna ang bao ng ulo at binali pa ang dalawang kamay nito saka itinapon sa basurahan ng kilalang fastfood chain sa Barangay San Pedro sa bayan ng Bus tos, Bulacan kahapon ng hapon.
Nakakabit pa ang umbilical cord sa pusod ng sanggol nang matagpuan ng basurero na inihalo sa mga itim na plastic bag ng basura mula sa fastfood chain bandang alas-3:30 ng hapon.
Kaagad naman ipinagbigay-alam kay Chairman Ricardo De Leon ang natagpuan kung saan isinugod naman sa ospital sa pag-asang maisasalba pa ang sanggol.
Subalit sa pagsusuri ng mga doctor, lumilitaw na basag ang bao ng ulo at pasa-pasa ang buong katawan na pinaniniwalaang hinilot mula sa tiyan ng ‘di-pa kilalang ina para lumabas.
Agad na pinabasbasan sa pari ang sanggol saka inilibing sa San Pedro Public Cemetery.