Opisyal ng LTO niratrat, todas

MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng Land Transportation Office ang namatay nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga arma­dong lalaki sa Gapan City, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Gapan City Police Chief Superintendent Ricardo Villanueva ang biktima na si Marylou Garcia, 51-anyos, hepe ng LTO Office sa lungsod at naninirahan sa Landville Subdivision sa Barangay Pambuan dito.

Lumilitaw sa pangu­nang pagsisiyasat na pauwi na si Garcia lulan ng tricycle nang harangin siya ng mga suspek sa Ba­rangay Pambuan.

Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na nagtamo ng grabeng tama ng bala sa ulo at ka­tawan.

Nagawa pang maisu­god ang biktima sa Good Samaritan Hospital pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Ang mga suspek ay ma­bilis na nagsitakas mata­pos ang insidente patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments