Senglot dedo sa bus

BATAAN, Philippines — Dahil sa kalasingan sa alak na sinasabing pasuray-suray na naglakad, isang 47-anyos na mekaniko ang sinalubong ni kamatayan makaraang mahagip ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Roman Super Highway sa Barangay Tundol, Limay, Bataan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Joy Apostol, sumabit sa kaliwang bahagi ng Genesis Bus Liner at nakaladkad ng ilang metro si Rodito Zamora ng Barangay Reformista, sa bayan ng Limay.

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng bus (AUV 439) na si Magtanggol Esperancilla, 49, ng Brgy.Balon Anito sa bayan ng Mariveles, Bataan. Jonie Capalaran

Show comments