5 bangka, 27 kalabaw ipinamahagi

BULACAN , Philippines  — Limang bangkang-de-motor at 27 kala­baw ang pinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa mga mangingisda na nakatira sa malayong isla sa Malolos City at ilang barangay sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Pina­ngunahan ni Bulacan Governor Joselito Mendoza kasama si Dr. Voltaire Basinang ng provincial agriculture office ang pag­bibigay ng mga bangkang-de-motor kina Marcelino Ra­mos, Adelino Benedicto, Raymond Cabigao, Luis Cabigao, at Alberto Torres na pawang mangingisda sa Brgy. Cali­li­ga­wan na kanugnog lugar malapit sa Manila Bay. Sa pama­ma­gitan ng proyektong Lingap Barangay ay nagkaloob din ng libreng medical at dental mission sa may 375 residente katuwang ang ilang malalaking kumpanya tulad ng SM Marilao, SM Baliwag, at Mercury Drug. Boy Cruz

Show comments