CAVITE , Philippines — Kamatayan ang sinapit ang isang 45-anyos na overseas Pilipino workers makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang maskaradong lalaki sa labas ng kanilang tahanan sa Barangay Maliksi sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Edgardo Garcia na naging electrician sa bansang Qatar noong 2009. Napag-alamang nakaupo sa labas ng bakuran ang biktima nang maganap ang pamamaslang. Cristina Timbang