Paggahasa sa panganay naudlot? 3 magkakapatid minasaker

MANILA, Philippines - Tatlong magkakapatid ang tinadtad ng saksak at napatay ng hindi pa makila­lang salarin habang nakiki­pag-inuman sa kapitbahay ang kanilang mga magu­lang sa Alaminos, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Senior Superintendent Mano­lito Labador ang mga bik­tima na sina Cristina Ra­fael, 14-anyos; at mga ka­patid na sina Jason, 12; at Jerome, 9, pawang re­si­dente ng Barangay San Ildefonso, Alaminos. 

Pawang tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan na siyang kumitil sa buhay ang nasa­bing mga bata.

Batay sa report, sinabi ni Labador na ang insi­dente ay naganap sa loob ng tahanan ng mga bik­tima sa nasabing lugar sa pa­gitan ng alas-8:00 hang­­gang alas-11:00 ng gabi.

Ayon sa inisyal na im­bestigasyon ng pulisya, ini­wan ang mga biktima ng kanilang mga magulang dakong alas-7:30 ng gabi upang makipag-inuman at mag-videoke sa kapit­bahay.

Dakong alas-12:00 ng ha­tinggabi ng umuwi sa ka­nilang tahanan ang mga magulang ng bata at nagu­lantang na lamang sa ka­ni­­lang pag-uwi nang maki­tang nakahandusay at tad­tad ng saksak ang mga anak.

Ayon kay Labador, na­kaligtas ang isa pang ka­patid ng mga biktima na si Johnmil Rafael, 6.

“Mukhang hindi nagi­sing yung bunso kaya hindi nakita ng suspek pero kung nagising yon at namuk­haan ang suspek, sigura­dong papatayin na rin sya,” sabi ng opisyal.

Narekober ng mga pulis mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang pares na dilaw na tsinelas na pinani­niwalaang ginamit ng suspek. 

Ayon naman kay Senior Inspector Ronald Ilde­fon­so, Alaminos police chief, nag-imbita na sila ng anim na katao para ikumpara sa mga finger prints na na­kalap sa crime scene.

Idinagdag pa ni Ilde­fonso na maaaring ang mo­tibo sa krimen ay gahasain si Cristina subalit naudlot dahil nagising ang mga kapatid nito.

“May nanliligaw raw kay Cristina sa kanilang mga kapitbahay at ‘yun ang tinitingnan naming ­motibo,” ayon kay Ilde­fonso.

Sinabi pa ng pulisya na ang mga sugat na tinamo ng mga biktima ay sanhi ng isang bolo.

Show comments