2 jail guard utas sa pamamaril

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Dalawang jail guard ang iniulat na napaslang habang sugatan naman ang isa pa matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan ang kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology ng Bulanao sa Tabuk-City, Kalinga kamakalawa. Napuruhan sa ulo at tiyan sina JO1 Roderick Mart­inez ng Tanudan, Kalinga at JO1 Patricio Lungao ng Tingla­yan habang sugatan naman si JO1 Arshan Maraet ng Bontoc, Mt. Province. Bandang alas- 8 ng gabi nang lusubin at ratratin ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan ang nabanggit na kulungan kung saan nasawi sina Martinez at Lungao. Victor Martin

Show comments