2 pulis naging komadrona

LEGAZPI CITY, Philippines – Nag­mistulang kumadrona ang dalawang pulis na umala­lay sa panganganak ng isang misis sa loob ng ka­nilang patrol car kahapon ng umaga sa kahabaan ng highway ng bayan ng Mali­lipot, Albay.

 Matagumpay naman naisilang ni Salvacion Tole­do ng Brgy. Cabasan sa bayan ng Bacacay, Albay ang sanggol na si Rose An­tonnette na sinasabing hango sa mga pangalan nina PO3 Rosalio Milallos at PO3 Antonio Beltran na tumulong sa panganganak.

Base sa impormasyon na habang nagbabantay sa checkpoint sina PO3 Mi­lallos Jr. at PO3 Beltran nang tumigil sa kanilang harapan ang pampasahe­rong jeepney.

Humingi ng tulong ang drayber sa mga pulis na ma­­ihatid sa hospital ang misis na buntis na tinata­yang manganganak na ng mga oras na iyon.

Kaagad naman isinakay ang misis sa patrol car nina Milallos at Beltran para iha­tid sa ospital, subalit hindi na makaabot at lumabas na ang sanggol sa tulong ng dalawang pulis. Ed Casulla

Show comments