6 pulitiko sa Region 4 may private army

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Inamin ng mga opisyal ng Region 4 police office na minamanmanan nila ang anim na pulitiko matapos madiskubreng may private armed group (PAG) na lantarang pagla­bag sa pinaiiral na Omnibus Election Code kaugnay sa nala­la­pit na May 10 eleksyon.

Ayon kay P/Chief Supt. Rolando Añonuevo, Cala­bar­zon (Cavite, Laguna, Ba­tangas, Rizal, Quezon) police director, pansaman­ta­lang hindi pa isiniwalat sa mga mamamahayag ang pagkikilanlan ng mga pu­­litikong may private army na binubuo ng isa sa Laguna, dalawa sa Quezon, isa sa Cavite, isa sa Rizal at isa sa Batangas.

“Bukod sa partisan arm­ed group, na-monitor din na­min ang 10 hot spots sa buong region base na rin sa parameters na ipina­labas ng national headquarters,” ani Añonuevo.

Gayon pa man, kahit anya may mga kilala nang private armed group sa rehiyon, patuloy pa rin ang pagsasagawa nila ng aks­yon para mapigilan ang election-related violence sa mga nabanggit na lugar.

Sa tala ng pulisya, no­ong Enero 25, 2010, naka­aresto na ng 91-katao na lumabag sa Comelec gun ban (Comelec Resolution 8714).

Kabilang sa mga na­dakip ay dalawang pulis, da­lawang government officials at ang kabuuan ay mga sibilyan.

Sa mga naaresto, na­kumpiska mula sa mga ito ang 70 baril na binubuo ng dalawampu’t limang high-powered firearms at 46 low-powered firearms, 27 patalim, 5 granada , at 9 na kilong anti-personnel explosive. Arnell Ozaeta

Show comments