Campaign manager ng party-list itinumba

Rizal , Philippines  — Natagpuan pa­­tay ang isang 47-anyos na lalaki na sinasabing campaign manager ng 1-Utak party-list sa loob ng kan­yang kotse kahapon ng umaga sa bayan ng Taytay, Rizal.

Sa ulat na ipinarating kay P/Senior Supt. Jona­than Miano, Rizal police director, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo si Lucio Gamit ng #627 Crystal Street, Palmera 2 Subdivision sa Brgy. Dolores.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-11:30 ng umaga sa loob ng itim na Mitsubishi Adventure (XPR-750) na naka­pa­rada sa parking lot sa Pla­za Mall sa Kilometer 23 Ortigas Avenue Extension, ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Roel Joji Aga­nos, 39, security guard ng DJA Security Agency, na­pansin niyang pumarada ang nasabing sasakyan dakong alas-8:10 ng uma­ga at namataang may ka­usap sa cell phone ang sakay nito.

Makalipas ang ilang oras ay laking gulat na lamang nito ng makitang nagkakagulo na sa parking lot at isang babae na nag­ngangalang Maria Sherly Posadas na nagpakilalang asawa ng biktima ang pilit na pinabubuksan ang na­turang sasakyan.

Nang mabuksan ang kot­se ay tumambad ang wala nang buhay na ka­tawan ng biktima kung saan nagsa­sagawa nga­yon ng masu­sing imbesti­gasyon.

Show comments