Volunteer ni Gibo ginulpi sa Gapo

MANILA, Philippines - Halos makipagpalit ng mukha ang isang volunteer ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro nang pagtulu­ngang bugbugin ng hindi pa naki­lalang mga arma­dong kala­la­kihan habang binaban­tayan ang billboard ng una sa Olongapo City.

 Sa sumbong sa pulisya ng biktimang si Rodemel Bautista, 27, bigla na lang huminto sa harapan niya ang pitong kalalakihang sakay ng isang itim na Toyota Pajero noong Mi­yer­kules ng hapon at ng bumaba ang mga ito ay bigla na lang siyang ginulpi kung saan nagtamo ito ng sugat sa mukha, ulo at iba pang parte ng katawan.

Posible umanong mga supporters ng kalabang partido ang bumugbog sa biktima dahil kabilang sa binabantayan nitong bill­board ang ilang local officials na kinabibilangan ni Olon­gapo mayoralty bet Vicente Magsaysay, at iba pang mga kandidato ng ad­minis­trasyon. Agad naman kinon­dena ng parti­do ni Teodoro ang nasa­bing insidente. Joy Cantos

Show comments