Rizal PESO pinarangalan

BATANGAS CITY, Philippines — Pinarangalan ang Rizal Provincial Public Employment Service Office (PESO) bilang pa­ngunahin at pinakamagaling na PESO sa panlalawigang kategorya sa ginanap na seremonya sa Batangas City, Batangas. Ipinagkaloob ng Departmernt of Labor and Employment (DOLE) ang parangal sa Pederasyon ng Rizal PESO Managers sa ginanap na PESO Year-End As­sessment and Planning conference sa nabanggit na lungsod. Bukod sa panrehiyong parangal, tumanggap din ng parangal ang Rizal PESO bilang Best in Presentation of FY 2009 Accomplishment Report, Best in Statistical Performance Rating System at Most Cooperative Dele­gation. Sa pagkakaroon ng pinakamagaling na pre­sentasyon ng FY 2009 accomplishment report, tu­mang­gap ang Pederasyon ng Rizal PESO Managers ng P27,000 kung saan tumanggap din ito ng tig-P 3,000 cash prize sa pagiging Most Cooperative Delegation at sa pagkakaroon ng Best Statistical Performance Rating System. Ang Rizal PESO ay kinilala sa kanyang matagumpay na pagpapatupad ng mga programa sa pagbibigay ng trabaho at sa pagpapaunlad ng mga manggagawa. Bilang insentibo, pinagkalooban ni Rizal Gob. Jun Ynares III ng P 10,000 ang Pederasyon. “Ang mga parangal na ito ay patunay lamang kung gaano ka-epektibo ang aming mga ipinatutupad na programa na nakatuon sa aming Only what is Best For Rizal development agenda,” pahayag ni Gob. Jun Ynares.

Show comments