3 'karnaper' arestado

CAMARINES NORTE , Philippines  — Tatlong kalalakihan na sina­sabing notoryus na karnaper ang naaresto habang dalawang iba pa ang pinaghahanap sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng pulisya kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Isagani Nefalar, 29; George Caesar Ellorza at si Reden Mahusay, 21, habang tugis naman ng pulisya ang dalawang iba pang suspek na sina Josefa Avila at Abner Avila Jr.

Si Nefalar ay nadakip sa Brgy. Viñas sa bayan ng Calauag, Quezon. Samantala, si Ellorza na sinasabing nakumpiskahan ng nakaw na scooter ay naaresto sa Purok 3, Brgy. Pamorangon-Daet, Cama­rines Norte. Si Mahusay ay nadakma naman sa Brgy. Lag-On sa Holiday Homes Subd. Francis Elevado

Show comments