Mobile checkpoint pa sa Masbate

MANILA, Philippines - Isang araw matapos na isailalim sa kontrol ng Com­mis­sion on Elections ang Mas­­bate, ipinag-utos ka­hapon ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa ang pagla­ latag ng karagdagang mobile check­point sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan kaugnay ng gaganaping pambansa at lokal na halalan sa Mayo ng taong ito.

Personal na nagtungo sa Masbate si Verzosa at pina­ngunahan ang Joint Se­curity Control Center Com­mand Con­ference kaugnay ng ila­latag na seguridad sa nala­lapit na eleksyon.

Ayon kay Verzosa, magi­ging pangunahing tungkulin ng mga mobile checkpoints ang paglilibot ng mga naka­unipormeng pulis sa iba’t ibang panig ng lalawigan at magsagawa ng random check sa mga sasakyan na bumi­biyahe sa mga lansangan.

Idiniin ng opisyal na, sa pa­mamagitan nito, mapa­pa­la­wak pa ang kampanya ng PNP upang mabawasan na ang mga nagbibitbit ng mga baril sa lalawigan at mabura na ang pamamayag­pag ng mga Private Armed Groups ng mga pulitiko. Joy Cantos

Show comments