Utol ng mayor itinumba

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Hindi na umabot pa nang buhay sa ospital ang 59-anyos na kapatid ng mayor ng Buenavista, Quezon matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang compound sa naturang lugar kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Elmo Francis Sarona, Quezon police chief ang biktimang si Federico Uri, nakatatandang kapatid ni Buenavista Mayor Remedios Uri-Rivera.

Nakaupo sa kanyang terrace si Uri nang pumasok ang salarin sa kanyang bakuran sa Brgy. Cadlit at pagbabarilin ito bandang alas-7:20 ng gabi. Arnell Ozaeta

Show comments