100 sakong bigas nalimas

LINGAYEN, Pangasinan , Philippines  — Tinatayang aabot sa 100 sa­kong bigas ang ninakaw ng limang armadong kala­lakihan makaraang pasukin ang rice mill sa Barangay Baay sa bayan ng Lingayen, Pangasinan, kamakalawa ng madaling-araw.

Nagawang looban ang JT Rice Mill at iginapos ang katiwalang si Eduardo Bides at ang misis nito.

Natagpuan sa abandonadong lote sa Barangay San Fernando sa kalapit bayan ng Bugallon ang trak na gina­mit ng mga kawatan. Cesar Ramirez

Show comments