Kandidato ng LP, supporter itinumba

MANILA, Philippines - Kamatayan ang su­ma­lubong sa isang kandidato ng Liberal Party at isang supporter makaraang rat­ratin ng mga armadong kalalakihan sa naganap na magkahiwalay na lugar sa Zamboanga del Sur kama­kalawa.

Kinilala ang mga na­pas­lang na sina Motal­ liden Pacman “Steve” Tapodoc, 35, kandidatong konsehal ng LP sa bayan ng Laba­ngan, Zamboanga del Sur at ang masugid na supporter ng LP na si Hadja Ha­mira Abdullah Agcong, 44.

Batay sa report mula sa Camp Crame, dalawang bala ng baril ang tumapos kay Agcong noong gabi ng Sabado sa harapan ng maysakit nitong anak sa parking lot ng Gaisano Mall sa naturang bayan.

Bandang alas-7 naman ng umaga noong Linggo nang pagbabarilin si Tapo­doc ilang hakbang ang layo sa Philippine Independent Church malapit sa Paga­dian City Hall.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa nalalapit na halalan sa Mayo 10 ang isa sa motibo ng krimen.

Sa tala ng pulisya, sina Tapodoc at Agcong ay ika­apat na kandidato at supporter ng LP na pinas­lang ka­ugnay ng gagana­ping pambansang halalan sa bansa.

Samantala, ang isa pa ay si Atty. Connie Brizuela, LP volunteer ay kabilang na­man sa 57-kataong mi­na­saker sa bayan ng Am­patuan, Maguindanao no­ong Nobyembre 23, 2009 na ikinasawi rin ng 32 mediamen. Joy Cantos

Show comments