P5-M ari-arian naabo

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Tinatayang aabot sa P5 milyong ha­­­laga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang ilang establisimento na magkakadikit sa Cotabato City ka­ma­kalawa ng umaga.

Lumilitaw na bandang alas-7:30 ng umaga nang masunog ang textile house na Sariling Atin sa Sinsuat Avenue. ‘Di-pa na­apula ang apoy sa Sin­suat Avenue ay na­sunog naman ang isang dormitory at simbahan sa bisinidad ng Notre Dame Avenue dakong alas-9:30 ng umaga.

Noong nakaraang taon, nasunog ang mga gusali at paninda sa City Arcade sa old public market sa Cotabato City at makalipas ang ilang buwan ay nasunog naman ang Barter trade sa Gov. Gutierrez Avenue na karamihan sa mga nagti­tinda ay pawang negosyanteng Maranaw. Malu Manar

Show comments