MANILA, Philippines - Anim na pagyanig ang muling naramdaman sa paligid ng bulkang Mayon sa Albay nang ito ay muling mag-alburoto. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, meron ding 17 pagguho ng bato mula sa bunganga ng bulkan ang naitala sa nakalipas na 24 na oras bukod pa sa 820 tonelada ng asupre na iniluwa ng bulkan. Bunsod nito, nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkang Mayon at mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone at 7-kilometer Extended Danger Zone sa Timog silangan bahagi ng bulkan Mayon. Angie dela Cruz