Balo binoga, dedo

CAVITE, Philippines — Agad na namatay ang isang dalaga makara­ang barilin sa sentido ng kanyang live-in partner kamakalawa ng gabi sa Barangay, Anabu 2-C sa Imus ng lalawigang ito.    Ang biktima ay nakilalang si Edelyn Gomez, 39-anyos, balo, residente ng Sitio Pulo ng nabanggit na lugar. Hindi pa inila­labas ang pangalan ng suspek dahil sa ginagawang follow-up operation ng pulisya. Batay sa imbestigasyon ni PO1 Dennis Magsaysay, may hawak ng kaso, dakong alas-6:00 ng gabi nang marinig ng mga kapitbahay na nagtatalo ang biktima at kinakasama nito sa hindi pa mabatid na kada­hilanan. Cristina Timbang

Show comments