5 preso pumuga

MANILA, Philippines - Limang preso ang nakatakas sa kanilang kulungan ma­tapos nilang lagariin ang rehas na bakal ng kanilang selda sa Silay City Police Station sa Negros Occidental kama­kalawa.   Kinilala ang mga ito na sina Michael Aguirre, Gio­vanni Diel, Roberto Zaures, Joel Sorbito at Jary-R Jeronica. Tumakas ang limang preso matapos na samantalahin na nakalingat ang kanilang mga bantay. Nang mabatid ang pagtakas ng naturang mga preso ay agad namang nagsa­gawa ng hot pursuit operations ang Silay City Police na nag­resulta sa pagkakaaresto kina Zorbito at Zaures. Joy Cantos

Show comments