Mayor sinibak

MANILA, Philippines -  Sinuspinde ng tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwan na walang sahod ang alkalde ng Cuyapo, Nueva Ecija dahil sa pagkaka­sang­kot sa isang kaso ng pama­maslang. Sa limang pa­hinang kautusan, nilagdaan ni Acting Ombudsman Or­lando Casi­miro ang sus­pension order laban kay Cuyapo Mayor Amado “Jong” Corpuz Jr. Ini­reklamo si Cor­puz sa kasong grave mis­conduct ng isang Priscilla Alcantara-Espinosa dahil sa pagkakasangkot umano ng una sa pagka­kapaslang sa asawa nitong si Angelito Mendoza. Angie dela Cruz

Show comments