Yaya hinalay ng among senglot

BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 33-anyos na mister makaraang maaresto ng pulisya sa ka­song rape laban sa kanyang yaya ka­ma­kalawa ng gabi sa Barangay Santol sa bayan ng Ba­lag­tas, Bulacan.

Itinago sa pangalang Vivien ang biktimang 23-anyos ha­bang kakasuhan naman ang suspek na si Anthony Ramos ng NIA road ng nabanggit na barangay.

Sa police report, lumilitaw na lango sa alak ang suspek nang dumating sa kan­yang tahanan at isagawa ang maitim na balak sa bik­timang natutulog sa kuwarto na katabi ang anak ng una. Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon ng biktima. Boy Cruz

Show comments