Principal itinumba

MANILA, Philippines - Isang high school principal ang nasawi matapos pa­ulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Urbiztondo, Panga­sinan kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Herminigildo Sabangan, 57 anyos, residente ng Barangay Dumpay, Basista at principal ng Urbiztondo National High School. Sinabi ng Police Re­gional Office (PRO) 3 na na­ganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga kama­kalawa sa Barangay Navatat, Urbiz­tondo.

Patungo sa kanyang pina­pasukang paaralan ang bik­tima nang harangin at pag­babarilin ng dalawang lalaki.

Agad na nasawi si Saba­ngan bunsod ng mga tina­mong malulubhang tama ng mga bala sa likod, dibdib at braso.

Narekober sa lugar ng in­sidente ang bag ng biktima na naglalaman ng mga doku­mento at cell phone. Joy Cantos

Show comments