MANILA, Philippines - Pitong kabahayan ang natupok ng apoy makaraang sunugin ng mga armadong kalalakihan na naghahanap ng mga supporter ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan sa bayan ng Datu Hofer, Maguindanao noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay P/Supt. Alex Lineses, tinatayang aabot sa 50 armadong kalalakihan ang sumalakay at nagtatanong kung sino ang mga tagasuporta ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.
Nang walang umaming mga tagasuporta ng mga Ampatuan, sinilaban ng mga ito ang mga kabahayan bago tumakas.
Sinabi ni Lineses na posibleng mga miyembro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang nasa likod ng insidente.
Ang mga rebeldeng MILF ay kumokondena sa Maguindanao massacre ng 57-katao sa bayan ng Am patuan, Maguindanao noong Nobyembre, 2009. Joy Cantos