Mag-utol ni-rape ng kawatan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Napariwara ang pag ­ka-babae ng mag-utol na dalaga makaraang magkasunod na halayin ng isang kawatan kahapon ng madaling-araw sa commercial unit sa Concepcion Pequena, Naga City, Ca­marines Sur. Itinago sa pangalang Judy at Grace ang mag-utol na biktima ng maitim na balak ng suspek na si Dennis Notorio, 25, ng San Rafael, Cararayan na naaresto matapos ang follow-up operation ng pulisya. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nakapasok sa bahay ng mga biktima ang suspek matapos wasakin ang padlock ng fire exit. Napag-alamang iginapos ang mag-utol saka magkasunod na ni-rape ng suspek.Tinangay ng suspek ang ilang cell phone ng magkapatid, IPod at P40,000 cash. Ed Casulla

Show comments