30 kabahayan naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P.5 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang 30 kabahayan sa Cotabato City noong gabi ng Bagong Taon.

Sa report ni P/Chief Insp. Adam Guiamad, Cotabato City Fire Marshall, nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Barangay Bagua 2 noong Enero 1.

Naapula ang apoy matapos ang may isang oras at mabuti na lamang na walang nasaktan at nasawi sa insidente. Kasalukuyan pa ring inaalam ng mga imbestigador ang pinagmulan ng apoy. Joy Cantos

Show comments