14-anyos dedo sa salpok ng bike

PANGASINAN, Philippines — Isang 14-anyos na babae ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng motorsiklo noong Huwebes sa bisinidad ng Barangay Dilan sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Rodalyn Ulalan samantalang sugatan naman ang magkaangkas sa motor­siklo na sina Clarence Neil Palma,19 at Ronald Donato,15.

Sa police report, lumilitaw na nakatayo ang biktima sa kaliwang shoulder ng kalsada nang mabundol ng motorsiklo na mina­maneho ni Palma. Sina Palma at Donato ay naisugod sa Pozorrubio Medical Hospital matapos sumemplang ang motorsiklo. Cesar Ramirez

Show comments