Convoy ng mayoralty bet inambus

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may kaugnayan sa May 2010 elections ang naganap na pananambang sa convoy ng mayoralty candidate na ikinasawi ng barangay chairwoman habang anim iba pa ang nasugatan ka­ha­pon ng madaling-araw sa bisinidad ng Barangay San Esteban sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte.

Kinilala ang nasawi na si Chairwoman Joen Ca­niete, 36, ng Brgy. Lanas at kandidato sa pagka-kon­sehal sa bayan ng Dingras.

Samantala, naisugod sa Batac Hospital ang mga sugatang sina Bokal Dr. Robert Castro, Councilor Jim­boy Albano, SPO2 Ce­sar Sabado, Joel Ros­que­ta-driver/escort ni Dr. Cas­tro; Fernando Sebas­tian at si Teodoro Naval.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, bumabagtas ang apat na sasakyang convoy ng mga lokal na kandidato ng Na­tionalista Party sa pangu­nguna ni mayoralty candidate Joefrey Saguid nang rat­ratin ng mga ‘di-pa kila­lang kalalakihan.

Napag-alamang papa­uwi na ang mga biktima mula sa Christmas party sa Barangay Bagut nang tam­bangan sa nabanggit na barangay.

Si Saguid na chairman ng Barangay Guer­re­ro at kandidato sa ma­yo­­ ralty race sa bayan ng Dingras laban kay re­electionist Ma­yor Mary­nete Gamboa ay na­da­pli­san lamang sa ka­niyang kamay. Joy Cantos

Show comments