KIDAPAWAN CITY , Philippines — Sinalubong ng malakas na pagsabog ang bayan ng Carmen, North Cotabato noong gabi ng Pasko, ayon sa opisyal kahapon. Sa pahayag ni P/Insp. Winston Seniel, hepe ng Carmen PNP, ang bomba ay gawa sa 60mm mortar, at itinanim sa may kanang likurang bahagi ng Isuzu six-wheeler na hauler elf na pag-aari ni Eddie Untalan kung saan nagtitipon ang mga tao sa plaza ng Carmen para sa selebrasyon ng Pasko. Walang nasugatan o nasawi sa insidente na bagaman napinsala ang truck ay lumikha naman ng matinding takot sa mga tao na nagdiriwang ng Pasko. Pinaniniwalaan naman puntirya ng pagsabog ay ang mga tao sa plaza pero dahil sa presensya ng mga sundalo at pulis na nagbibigay seguridad ay sa truck na lamang ito naikabit ng grupo ng terorista. Malu Manar