3 mag-uutol nalitson sa sunog

MANILA, Philippines - Masaklap ang pagsa­lubong sa Bagong Taon ng isang pamilya matapos na masawi sa sunog ang tat­long mag-uutol kabilang ang isang sanggol na ba­bae sa bayan ng Milaor, Camarines Sur noong gabi ng Pasko.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Maria Cris­tina Hormina, 5; Kaila, 3; at ang pitong buwang sang­gol na si Clarise.

Batay sa ulat ng Cama­rines Sur Provincial Police Office na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente pasado alas-9 ng gabi sa tahanan ng mga biktima sa Barangay Borongborongan sa na­banggit na bayan.

Ayon sa imbestigasyon, pansamantalang iniwan ng kanilang mga magulang na natutulog ang mga bata upang makipanood ng telebisyon sa kapitbahay nang maganap ang tra­hedya.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon, na dahil sa hangin ay nagliyab ang kurtina matapos na madikit sa gasera na iniwan ng mag-asawa sa tabi ng bintana.

Mabilis na kumalat ang apoy na nagliyab din sa ku­mot ng mga natutulog na magkakapatid.

Sa bilis ng pangyayari ay nabigong mailigtas pa ang mga biktima matapos makulong ng apoy sa nag­lalagablab na bahay.

Sising alipin naman ang mga magulang ng magka­kapatid sa sinapit ng ka­nilang mga anak na sa halip na magsaya ang mga ito ay luksa ang sumalu­bong sa Bagong Taon.

Show comments