CAVITE , Philippines — Malagim na kamatayan ang sumalubong sa Kapaskuhan laban sa maglolo makaraang makulong sa nasusunog na bahay kamakalawa ng madaling-araw sa Sitio Pasong Buwaya sa Brgy. Garita, Maragondon, Cavite. Kinilala ng pulisya ang maglolo na sina Salvador Olipan at Saul Arbias III, 6; habang nasugatan naman ang nanay ni Saul na si Nini, magkapatid na Harold, 7; at Jimboy, 4; at mga kamag-anak na sina Vilma at Joel, 4. Sa police report, nagsimula ang apoy sa isa sa mga unit ng apartment na sinasabing pag-aari ni Lida Camacho kung saan nadamay ang bahay ng mga biktima. Kumalat din ang apoy sa bakanteng kuwarto na pinag-iimbakan ng mga paputok. Cristina Timbang