Pre-Christmas tragedy: 4 katao utas

BAMBANG, Nueva Viz­caya , Philippines  – Apat-katao ang kumpirmadong nasawi na kinabibilangan ng mag-asawa, anak at pamangkin, habang dalawang iba pang ang nasugatan makaraang araruhin ng truck ang tray­sikel na sinasakyan ng mga biktima noong Martes ng gabi sa national highway ng bayan ng Bam­bang, Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat ng pulis-Bambang, kabilang sa mga na­matay ang mag-asa­wang sina Joel Cajimat, 37;  driver ng tricycle; Hilda Ca­jimat, 35;  anak na si Catrina Cajimat, 12; at ang pamangkin ng mag-asawa na si Beverly Ann Cajimat, 18; pawang mga residente ng Barangay Macate.

Ginagamot naman sa Veterans Regional Hospital ang dalawang anak ng mag-asawa na sina Karen Joy Cajimat, 16; at Kyle Gian Cajimat, 3.

Ayon kay P/Chief Insp Janton Albano, hepe ng PNP Bambang, dakong alas-11 ng gabi nang ma­ganap ang aksidente sa sharp curve ng highway sa Brgy. Macate matapos araruhin ng Isuzu Forward truck ni Percy Baculi ng Tanza ng Tuguegarao City-Cagayan ang traysikel ng mga biktima.

Sa pahayag ni Baculi sa pulisya, umiwas umano ito sa sasakyan na nag-overtake na naging dahilan para tu­mama ito sa waiting shed bago tuluyang su­mad­sad at dumagan sa traysikel na sinasakyan ng mga biktima na sinasabing papasok sana sa nasabing pangu­nahing kalsada.

Show comments