MANILA, Philippines - Tatlong katao ang nasawi habang isa namang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary ang nasugatan nang salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang flagship project ng pamahalaan sa Sitio Talisay, Barangay Sibahay, Cateel, Davao Oriental nitong Huwebes ng umaga.
Sinabi ng militar na tinatayang nasa 20 rebelde mula sa Guerilla Front 20 ng NPA Southern Mindanao Regional Committee ang umatake sa flagship project sa PL Sebastian Construction sa Sitio Talisay. Joy Cantos