Manager ng security agency itinumba

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 43-anyos na branch manager ng security agency maka­ra­ang ambusin ng da­la­wang maskaradong lalaki na lulan ng motorsiklo ka­hapon ng umaga sa Davao City.

Napuruhan sa katawan si Joe Canete Mangadlao ng Brgy. Buhangin, Davao City at opisyal ng PHIDISS Security Agency sa Vista Verde, Panacan District.

Batay sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa kahabaan ng Angliongto Road, Bu­hangin bandang alas-8 ng umaga.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na minamaneho ng biktima ang Honda CRV na may plakang LFM 224 nang ratratin ng motorcycle-riding assassin.

Napag-alamang pa­pasok sa trabaho ang bik­tima nang makasalubong si kamatayan sa nabanggit na lugar.

Nagawa pang maisu­god sa Limso Hospital si Canete pero idineklara na itong patay ng mga doctor.

Show comments