Cocaine nasamsam

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga awto­ridad matapos na masam­sam ang 15.5 kilo ng high grade na cocaine na tinata­yang nagka­kahalaga ng P110 milyon sa isang container van sa isang compound sa Sasa, Davao City, ayon sa ulat kahapon. Ba­tay sa ulat na nakarating ka­hapon sa Camp Crame, unang sinalakay ng pinag­sanib na elemento ng Police Regional Office 11 at Philippine Drug Enforcement Agen­­cy 11 ang compound ng Maersk Container Yard sa old airport road ng lung­sod nitong Huwebes ng umaga. 

Hang­gang kahapon ang ipinagpa­patuloy ng mga awtodidad ang pagha­lughog sa may mahigit 100 con­tainer van sa loob ng compound. Joy Cantos

Show comments